Patuloy ang pag-ulan sa Las Piñas City ngayong umaga ng Lunes, Agosto 17, mula 5:00 ng umaga hanggang 8:30 ng umaga dahil sa epekto ng habagat.
Samantala, kalmado at tuloy-tuloy naman ang agos ng tubig sa Pulang Lupa Bridge. Malinis din ang daluyan at walang nakitang nakabarang basura.
Pinapayuhan ang publiko na mag-ingat, magdala ng panangga sa ulan, at manatiling nakatutok sa mga abiso ng LGU. | via Betheliza Paguntalan
