Hinimok ng Department of Education (DepEd) ang mga lokal na pamahalaan na maging mas tiyak sa pag-aanunsiyo ng class suspensions upang maiwasan na mabawasan ang learning time ng mga estudyante, habang pinananatili ang kanilang kaligtasan kasama ang school personnel.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, maaaring tukuyin ang mga partikular na lugar na apektado upang makapagpatuloy ang klase sa mga lugar na ligtas. Sa ilalim ng bagong panukalang Executive Order, maaaring awtomatiko, localized o granular ang pagsususpinde depende sa lagay ng panahon.
Batay sa DepEd, umabot sa 34,775 paaralan o 72.49% ng public schools nationwide ang naapektuhan ng class suspensions hanggang Setyembre 10 dahil sa masamang panahon at mga pagbaha.
📷 PNA

