Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin ang pag-update sa guidelines ng suspension at resumption ng pasok sa klase at onsite work upang maiwasan ang kalituhan sa mga empleyado, magulang, at estudyante.
Sa panukalang Executive Order, maaaring automatic, localized o granular ang class suspension depende sa lagay ng panahon. Hinimok din ng DepEd ang LGUs na tukuyin ang mga partikular na lugar na apektado upang makapagpatuloy ang klase sa mga ligtas na lugar.
Ayon sa DepEd, nasa apat na learning days ang average na nawala sa bawat division nationwide hanggang Setyembre 11, habang 34,775 o 72.49% ng 47,000 DepEd schools ang nakaranas ng class suspension mula nang magsimula ang school year hanggang Setyembre 10.
📷 PNA

