Naglabas ng pahayag ang Department of Education (DepEd) kaugnay ng naiulat na shooting incident sa Banga National High School sa Banga, South Cotabato.
Sinabi ng DepEd na nakikipag-ugnayan ito sa Schools Division Office, Regional Office, lokal na awtoridad at law enforcement upang beripikahin ang insidente at magbigay ng kinakailangang tulong. Handa rin itong magbigay ng psychological first aid at psychosocial support sa mga apektado.
Hinimok ng kagawaran ang publiko na manatiling kalmado at huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
📷 DepEd Philippines
