Pansamantalang sinuspinde sa mga road clearing operation si MMDA official Gabriel Go matapos mag-viral ang video ng paghuli niya sa isang gurong nagmomotorsiklo nang walang helmet.
Sa video, sinita ni Go ang guro at sinabing dapat maging mabuting halimbawa ang mga guro sa kanilang mga estudyante.
Bagama't naka-blur ang mukha at hindi pinangalanan ang guro, nakatanggap pa rin ang MMDA ng mga reklamo mula sa iba't ibang grupo kaugnay ng insidente. Kaugnay nito, pinagsumite na si Go ng paliwanag habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
📸: Gabriel Go / FB


