Arestado na ang tatlo sa apat na suspek sa pagpatay sa American marine biologist na si Dr. Kent Carpenter sa Sibulan, Negros Oriental.
Kinilala ng pulisya ang mga naarestong suspek na mga umano'y gunman, lookout, at lalaking pinaghihinalaang nanghalay sa live-in partner ng biktima.
Si Carpenter ay binaril sa ulo matapos pasukin ng mga armadong suspek ang kaniyang bahay noong Linggo ng gabi, Hulyo 12.
Kilala siya sa kaniyang pananaliksik tungkol sa coral reefs at marine biodiversity, na nakatulong sa arbitral case ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
📸: PNP Negros Oriental

