Pinaniniwalaan ng Federal Bureau of Investigation (FBI) na nagtatago sa Pilipinas si Edgardo Feralin Dormido dahil sa kasong child molestation.
Ayon sa FBI, mayroong limang kaso ng pangmomolestiya si Dormido noong 2015. Nagpunta umano muna ng Taiwan si Dormido bago nagtungo sa Pilipinas.
Nagkaroon naman ng dagdag na kaso si Dormido dahil sa pagtakas nito at mayroon nang nakabinbin na warrant of arrest. Hinala naman ng FBI na posibleng may mga kamag-anak si Dormido na nasa Los Angeles pa rin.
📸: FBI

