Pinangangambahan ng United Nations (UN) na mahigit 500 katao ang nasawi matapos ang magkahiwalay na paglubog ng dalawang vessel sa karagatan ng Myanmar.
Ayon sa ulat ng UN, nawalan ng contact ang unang vessel na may lulan na 250 pasahero ilang oras matapos itong pumalaot. Pinaniniwalaan namang lumubog din ang ikalawang vessel na may sakay na 280 katao.
Bagama't hindi pa kumpirmado ang eksaktong bilang ng mga biktima, mataas ang posibilidad na nasawi ang mga ito dahil sa paglalayag sa gitna ng masamang panahon at mapanganib na alon, dagdag ng ahensya.
📷: Reuters


