Arestado ang walong indibidwal sa ikinasang anti-smuggling operation sa Barangay San Benito, Dinalupihan, Bataan, kung saan nasamsam ang tinatayang ₱22 milyong halaga ng ilegal na produktong petrolyo.
Ayon sa pulisya, mahigit 104,000 litro ng diesel, unleaded gasoline, premium gasoline, at ethanol ang nakumpiska, kasama ang apat na fuel tanker truck, isang electric pump, at mga delivery documents.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag kaugnay ng ilegal na bentahan, distribusyon, at diversion ng mga produktong petrolyo. | via Jim Tejano
📸: PNP Region 3

