Nasawi ang isang barangay tanod nang mabaril habang umaawat sa rambulan sa Barangay Buting, Pasig City nitong madaling araw ng Miyerkules, Hulyo 15.
Sa kuha ng CCTV, makikitang nagrambulan ang dalawang grupo bago kumuha ng baril ang isa sa mga suspek at nagpaputok. Tinamaan ang barangay tanod na kalauna'y binawian ng buhay sa ospital.
Ayon sa imbestigasyon, kapwa taga-Taguig ang dalawang grupong sangkot. Nag-ugat umano ang insidente dahil sa masamang titigan ng mga kalalakihan.
Naaresto na ng pulisya ang dalawa sa mga suspek na kagrupo ng gunman, habang nagpapatuloy ang pagtugis sa iba pang sangkot.
📸: Barangay Buting

