Nasa kamay na ng mga awtoridad ang isang police executive master sergeant matapos masangkot sa pamamaslang sa jeepney driver sa isang terminal sa Muntinlupa noong Hunyo 7.
Ayon sa pulisya, posibleng may kaugnayan ang krimen sa umano'y ilegal na pangongotong sa mga jeepney driver.
Sa naging imbestigasyon, naniningil umano ang pulis ng ₱45 kada biyahe sa mahigit 70 hanggang 80 jeepney sa dalawang terminal sa Muntinlupa sa pamamagitan ng apat niyang tauhan.
Kinumpirma rin ng pulisya na ang pulis na nakatalaga sa Regional Internal Affairs Service–National Capital Region, ang itinuturong utak sa krimen. Agad itong dinisarmahan at isinailalim sa restrictive custody.
Nakahain na ang kasong kriminal laban sa pulis habang naghain naman ng hiwalay na reklamong administratibo ang asawa ng biktima. | via Jim Tejano
📸: MANIBELA

