Arestado ang riding-in-tandem na nangholdap sa 19-anyos na tindera ng burger stall sa Barangay Siling Bata, Pandi, Bulacan, nitong madaling araw ng Linggo, Hulyo 12.
Batay sa CCTV footage, makikitang nagpanggap na mga customer ang dalawang suspek bago biglang magdeklara ng holdap. Tinangay nila ang mahigit isang libong pisong kita at cellphone ng biktima.
Sa follow-up operation, naaresto ang 25-anyos na rider at sumunod namang naaresto ang 24-anyos nitong kasabwat. Ayon sa pulisya, mabilis silang natukoy dahil kapwa residente sila ng barangay at agad silang itinuro ng biktima at isang testigo.
Narekober sa isa sa mga suspek ang patalim, baril na may mga bala, at limang gramo ng hinihinalang shabu. Nahaharap ang mga suspek sa patong-patong na kaso. | via Jim Tejano
📽️: Contributed Video



