Tinanggal sa puwesto ang 40 tauhan ng Land Transportation Office Region 7 matapos makatanggap ang ahensya ng mga ulat ng umano’y katiwalian, kabilang ang panghihingi ng pera sa mga motorista sa roadside operations at paniningil para sa pagpapalabas ng mga plaka.
Karamihan sa mga natanggal ay mga job order personnel kaya maaaring hindi na i-renew ang kanilang kontrata. Samantala, ang mga regular na empleyadong may reklamo ay sasailalim pa rin sa tamang proseso ng pagdidisiplina.
📸: LTO7


