Nasabat ng mga awtoridad ang mahigit ₱234.3 milyong halaga ng mga puslit na sigarilyo sa karagatan malapit sa Lutangan Island, Olutanga, Zamboanga Sibugay nitong Linggo, Hulyo 19.

Nakumpiska ang 1,436 na master cases, 55 rim ng mga sigarilyong New Berlin at Bosqu, at ang motorboat na ginamit sa pagbiyahe ng mga ito.

Dinala ang mga kontrabando sa Bureau of Customs–Port of Zamboanga para sa kaukulang legal na proseso. Ayon sa mga awtoridad, malaking dagok ito sa operasyon ng smuggling sa Western Mindanao. | via Ely Dumaboc

📸: Philippine Navy




