Nasawi ang isang police captain matapos mabaril sa ulo nang rumesponde sa gulo sa isang videoke bar sa Brgy. Binuntucan, Pontevedra, Capiz.
Ayon sa Pontevedra Municipal Police Station, nagkaroon ng komosyon sa loob ng videokehan kung kaya’t mabilis na rumesponde ang biktima at dalawa pang pulis.
Habang pinapahupa ng pulisya ang sitwasyon, bigla na lamang bumunot ng baril ang suspek at ilang beses na pinaputukan ang biktima.
Naaresto naman ang suspek, habang pinaghahahanap pa ang dalawang suspek sa krimen.



