Nasagip ng DENR Metropolitan Environmental Office (MEO)–South ang isang Philippine Scops Owl at Marble Monitor Lizard matapos makatanggap ng ulat mula sa City Veterinary Office ng Muntinlupa.

Natagpuan ang kuwago sa Las Piñas City habang ang bayawak naman ay na-retrieve sa Muntinlupa City.
Naiturn-over ang dalawang endemic wildlife species sa National Wildlife Research and Rescue Center para sa rehabilitasyon at posibleng pagpapabalik sa kanilang natural habitat.



