Natapos na ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-imprenta ng 2.3 milyong balota para sa parliamentary elections ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na nakatakda sa Setyembre 14.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, isasailalim pa sa pagsusuri ang mga balota sa loob ng susunod na tatlong linggo bago ipadala sa BARMM upang matiyak na mababasa ang mga ito nang maayos ng mga voting machine.
📸: PNA File



