Nasawi ang isang 36-anyos na babae matapos umanong pagtatagain ng kaniyang asawa sa Sitio Baluno, Barangay Salaan, Zamboanga City ngayong Miyerkules, Hulyo 22.
Ayon sa pulisya, naganap ang insidente matapos magkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa. Inamin ng suspek na mayroon siyang bisyo sa ilegal na droga, ngunit iginiit niyang selos ang nagtulak sa kaniya upang gawin ang krimen.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa suspek.
| via Ely Dumaboc
📷: Allan Delos Reyes


