Nasamsam ang mahigit apat na toneladang mishandled frozen meat sa labas ng isang palengke sa Dasmariñas, Cavite.
Sa inspeksyon ng mga awtoridad, napag-alaman na hindi gumagana ang freezer kaya lumambot ang mga karne. May mga kahon ding sira-sira at mga frozen meat na nakatiwangwang sa labas sa halip na nakaimbak sa freezer.
Ayon sa National Meat Inspection Service (NMIS), karamihan sa mga karne ay walang kaukulang dokumento at maituturing na "hot meat."
Inisyuhan ng confiscation receipt ang mga nagtitinda, at dinala sa disposal facility ang mga nakumpiskang karne.
| via Jim Tejano


