Nahuli ang isang lalaking X-ray technician sa Tondo, Maynila matapos umanong palihim na mag-video ng mga pasyenteng nagbibihis sa loob ng isang clinic.
Nagsampa ng reklamo ang isang 27-anyos na babae matapos madiskubreng naka-video ang kaniyang paghuhubad at pagbibihis. Sa imbestigasyon, lumitaw na may iba pang video ng mga pasyente sa cellphone ng suspek.
Nahaharap siya sa kasong paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 at falsification of documents dahil sa umano'y paggamit ng pekeng PWD ID.
Iniimbestigahan din kung lumabag siya sa Radiologic Technology Act of 1992 kung mapatutunayang wala siyang lisensya bilang X-ray technician.


