Ipinabatid ni Foreign Secretary Ma. Theresa Lazaro kay Chinese Foreign Minister Wang Yi ang mariing pagtutol ng Pilipinas sa mga hindi katanggap-tanggap na aksyon laban sa mga Pilipino malapit sa Ayungin Shoal, gayundin sa nakababahalang video na inilabas ng China Daily.
Matatandaang nakuhanan ng video ang umano'y pananakit ng China Coast Guard sa mga miyembro ng Philippine Navy na nakatalaga sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
📷: Sec. Lazaro


