Nasagip ang isang 74-anyos na American citizen matapos mahulog ang minamaneho nitong kotse sa 30 metrong lalim ng bangin sa Mariveles-Bagac Road, Barangay Biaan, Mariveles, Bataan.

Mahigit dalawang oras ang naging rescue operation bago siya naiahon. Ayon sa mga awtoridad, posibleng nakaidlip ang biktima habang nagmamaneho. Kabilang ito sa isang grupo na nag-joyride patungong Morong at Mariveles, dagdag pa ng pulisya. | via Larry Biscocho


📸: BFP Mariveles




