Nasagip ng DENR Metropolitan Environmental Office (MEO)–North ang isang Juvenile Brahminy Kite matapos itong bumangga sa salaming bintana ng isang gusali sa Caloocan City.
Dahil sa insidente, nanghina at hindi na makalipad nang maayos ang ibon.
Agad naman itong nirespondehan at inilipat sa Biodiversity Management Bureau–Wildlife Rescue Center para sa veterinary examination at rehabilitasyon.
📸: DENR-NCR

