Nasa 57% ng mga Pilipino ang nagsabing ang pagkontrol sa inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang pinakamahalagang suliraning dapat tugunan ng pamahalaan, ayon sa latest survey ng Pulse Asia.
Sinundan ito ng paglaban sa korapsyon, kung saan 40% ang nagsabing dapat papanagutin ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno, habang 36% naman ang naniniwalang mahalagang itaas ang sahod ng mga manggagawa.
Isinagawa ang survey sa 2,400 respondent mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 3.

