Nahulihan ng humigit-kumulang ₱200,000 halaga ng hinihinalang shabu ang isang Grade 9 student sa loob ng isang paaralan sa Bacolod City.
Ayon sa pulisya, nagsagawa ng inspeksyon ang school security guard matapos makatanggap ng ulat na may dalang matulis na bagay ang estudyante. Sa halip, hinihinalang ilegal na droga ang nadiskubre sa kaniyang bag.
Nasa pangangalaga na ang estudyante ng Bacolod City Social Development Center, habang patuloy na iniimbestigahan ng pulisya kung paano napasok ang droga sa loob ng paaralan at kung may kinalaman ba ang insidente sa isang prank.
📸: Contributed

