Umabot na sa 41 ang nasawi habang 77 iba pa ang nailigtas nang tumaob ang isang ferry sa baybayin ng Guyana, South America.
Ayon sa mga awtoridad, nasa 179 katao ang sakay ng barko nang mangyari ng insidente nitong weekend.
Patuloy naman ang search and rescue operation habang inaalam ng mga awtoridad ang posibleng dahilan ng paglubog, kabilang ang maling talaan ng pasahero at umano’y paggamit ng droga ng mga tripulante.
📸: Reuters

