Inamin ni NBI Director Atty. Melvin Matibag na ang kaniyang asawa na si Laguna 1st District Rep. Ann Matibag ay isa sa mga nag-endorso ng House resolution na naglalaman ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa cross-examination sa impeachment trial kahapon, Hulyo 21, nilinaw ni Matibag na hiwalay ang tungkulin ng kaniyang asawa bilang mambabatas sa kaniyang trabaho bilang NBI chief. Ayon sa kaniya, tumestigo siya sa kaso matapos siyang imbitahan ng House prosecution panel.
Samantala, sinabi ng House prosecution panel na hindi kailangang ipaalam ni Rep. Matibag kay NBI Director Matibag ang kaniyang mga desisyon bilang halal na kinatawan ng distrito.
📸: Senate, Rep. Ann Matibag

