Matapos ang isang dekada, inayos na ng Lionsgate ang iconic hand pose ni Ryan Gosling sa anniversary poster ng La La Land, na matagal nang pinag-uusapan ng fans at mismong aktor.
Noong 2024, inamin ni Gosling na siya mismo ang nagpasya sa kakaibang hand pose sa orihinal na poster, kahit sinabihan na siyang huwag itong gawin. Pinagsisihan umano niya ito at inilarawan bilang "lazy" at "killed the energy."
Bilang pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng pelikula, inilabas ng Lionsgate ang bagong poster na may "minor adjustment" sa kaniyang hand pose.
📷: Entertainment Tonight



