Nasagip ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) Sorsogon ang dalawang Philippine long-tailed macaques at 15 native na mga ibon sa Sitio Madan-an, Barangay Bibincahan, Sorsogon.
Nakatanggap ng ulat ang mga awtoridad tungkol sa mga undocumented wildlife na umano'y ikinulong sa lugar, kaya agad na isinagawa ang rescue operation.
Ang mga nailigtas na hayop ay isinailalim na sa kaukulang pangangalaga at pagsusuri ng mga awtoridad.
📷: DENR Bicol/Facebook


