Kinumpirma ni Atty. Michael Poa na nasa The Hague, Netherlands si Vice President Sara Duterte ngayong Hulyo 21.
Nagbigay ang Malacañang ng travel authority kay Duterte mula Hulyo 16 hanggang 31 sa pagpunta niya sa naturang bansa, maging sa Qatar, Germany, United Kingdom, at Northern Ireland.
Ayon sa Office of the Vice President, dadalo ang bise sa forum at Filipino community event sa iba’t ibang bansa. Tiniyak ng OVP na hindi sila gagamit ng pondo ng bayan sa kanilang pag-alis.



