Natagpuang patay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki sa gilid ng ilog sa Sitio Palaopao, Barangay Maluko, Manolo Fortich, Bukidnon.
Ayon sa pulisya, rumesponde ang mga awtoridad matapos makatanggap ng ulat mula sa mga residente. Tinatayang nasa edad 25 hanggang 30 ang biktima at walang suot na pang-itaas nang matagpuan.
Nasa funeral home na ang labi ng biktima habang nananawagan ang pulisya sa sinumang posibleng kaanak nito na makipag-ugnayan sa kanilang himpilan upang matukoy ang kaniyang pagkakakilanlan. | via Pepito Arianza
📷: PNP Manolo Fortich, Bukidnon



