Magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan ang panahon ngayong Miyerkules, Hulyo 22, sa Mindanao, Western Visayas, Negros Island Region, Central Visayas, at Palawan dahil sa habagat o southwest monsoon, ayon sa PAGASA.
Habang ang trough ng binabantayang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) ay magpapaulan sa Bicol Region at Eastern Visayas.
Samantala, ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin na may pulo-pulong mga pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.



