Aarangkada ngayong araw, Hulyo 22, ang dalawang araw na transport strike ng grupong MANIBELA na tatagal hanggang Hulyo 23 bilang protesta sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis at umano'y kakulangan ng aksyon ng Department of Energy (DOE).
Iginiit ng grupo na dapat papanagutin ang DOE at mga oil company sa patuloy na oil price hikes. Hiniling din nilang imbestigahan ang umano'y kakulangan ng suplay sa ilang gasolinahan at aprubahan ang dagdag-pasahe upang matulungan ang mga tsuper na makayanan ang tumataas na gastusin.
📸: MANIBELA




