Walang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa Hulyo 27 at 28 upang bigyang-daan ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang kontra-SONA ng Senate minority.
Ayon kay Presiding Officer Francis "Chiz" Escudero, magpapatuloy ang paglilitis sa Hulyo 29 nag masisimula ng 10:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon. Samantala, ang regular session ng Senado ay gaganapin ng 4:00 ng hapon.
Simula Agosto, isasagawa ang impeachment trial tuwing Lunes hanggang Miyerkules, mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. | via Mar Gabriel
📸: Senate




