Huling namataan ang binabantayang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) sa layong 1,200 km Silangan ng Southeastern Luzon.
Ayon sa PAGASA, ito ay may mataas na tiyansang maging bagyo sa loob ng susunod na 24 oras. Malapit na rin itong pumasok sa PAR kung saan tatawagin itong “Kiyapo.”
Dahil sa lawak ng trough, magdadala ito ng mga pag-ulan sa Bicol Region at Eastern Visayas.



