Tinanggal na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang ban sa Discord, wala pang 24 oras matapos itong ipatupad.
Kasunod ito ng pag-uusap ng mga ahensya at mga opisyal ng platform tungkol sa online safety ng mga bata.
Ayon sa DICT, nangako ang Discord na makikipagtulungan sa mga awtoridad at magbibigay ng “green lane” para mabilis na matukoy at mabantayan ang mga gumagamit sa platform.
Matapos ang panandaliang ban, umani ng batikos ang DICT at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) dahil naapektuhan din ang mga lehitimong gumagamit ng platform, kabilang ang mga nagtatrabaho online.


