Naglunsad ang Department of Education (DepEd) ng pilot active shooter at threat simulation drills sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Kasama sa isinagawang simulation ang lockout, lockdown, at evacuation drills upang palakasin ang seguridad at kahandaan ng mga paaralan sa pagtugon sa mga posibleng banta.

Ayon sa DepEd, layunin nitong matiyak na handa ang mga paaralan sa oras ng emergency at mapanatiling ligtas ang mga mag-aaral, guro, at kawani.
📷: Department of Education


