DELIVERY RIDER SA UMAGA, DRUG PUSHER SA GABI?
Kalaboso ang isang delivery rider nang mahulihan ng P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Brgy. Lower Bicutan, Taguig City.
Lumabas sa imbestigasyon ng Southern Police District na isa siya sa mga source ng shabu sa lugar. Posible rin umanong nagsa-sideline ng droga ang suspek habang ito ay delivery rider.
Nahuli sa suspek ang 150 gramo ng umano’y shabu at isang .45 calibre ng armas. Nahaharap siya ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
📷: SPD-DDEU




