Nag-panic ang mga mag-aaral sa San Jose National High School sa Tacloban City nang akalain nilang may nagaganap na school shooting ngayong Hulyo 24.
Ayon sa Tacloban City Information Office, nagsasagawa ng field activity ang paaralan nang marinig ang mga sigawan. Inakala ng ilang estudyante na may naganap na pamamaril kaya nagtakbuhan ang mga ito.
Tatlo ang napaulat na nasugatan dahil sa stampede.
Nilinaw naman ng paaralan na walang naganap na anumang shooting incident.
📷: Tacloban Information Office


