Sa kabila ng pananalasa ng Bagyong Kiyapo, sumiklab ang sunog sa isang garahe sa Zone 3, Brgy. Sta. Margarita, Baggao, Cagayan kaninang umaga.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), idineklarang fire out ang insidente bandang 12:10 p.m. at wala namang naiulat na nasaktan o nasawi.
Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at ang kabuuang halaga ng pinsala.
📷: Baggao Information Office


