Nailigtas ang driver at dalawang sakay ng trailer truck na nahulog sa sapa sa Barangay Pocopoco, Damulog, Bukidnon nitong Huwebes ng hapon, Hulyo 23.

Nawalan umano ng kontrol ang driver dahil sa madulas na kalsada.

Inabot ng dalawang oras ang rescue operation bago nasagip ang tatlong sakay ng trailer truck. Ang mga biktima ay nagtamo ng minor injuries. | via Christyl Castillo

📸: MDRRMO Damulog


