Natukoy na ng mga awtoridad ang suspek sa pagpatay sa isang 70-anyos na dating BIR commissioner at 52-anyos nitong kasambahay sa North Fairview, Quezon City.
Ayon sa pulisya, pagnanakaw ang pangunahing motibo sa krimen matapos mawala ang mga alahas, pera, at tatlong cellphone ng mga biktima.
Nakatulong ang CCTV backtracking at isang electronic money transfer upang matukoy ang suspek.
Nahaharap ang suspek sa dalawang counts ng murder at robbery, habang nagpapatuloy ang operasyon para sa kaniyang pag-aresto. | via Jim Tejano
📷: QCPD PS 5


