NET25 Logo

Your source for news, entertainment, and the best of Philippine broadcasting.

Connect With Us

About

  • About Us
  • Profiles
  • Contact Us
  • Privacy Policy

Contact

  • Contact Sales
  • Job Application

Partners

    © 2026 NET25. All rights reserved.UTC
    Fri, Jul 24Friday, July 24, 2026
    NET25 Logo
    • NEWS
    • ENTERTAINMENT
    • OPINION
    RADYO AGILAEAGLE FM 95.5
      • News
      • Entertainment
      • Opinion
      • Radyo Agila
      • Eagle FM 95.5
      • Program Schedule
      • About Us
      • Profiles
      • Contact Us
      • Privacy Policy
      • Sales
      • Job Application
    • CONNECT WITH US
    ← OpinionNext column →
    Weng Dela Fuente

    Weng Dela Fuente

    Columnist · NET25

    Public Trust

    Patuloy ang pagsadsad ng approval at trust rating ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Pangunahing dahilan nito ang pagka-disgusto ng publiko sa mga hindi natupad na pangako ng administrasyon, sa flood control scandal at kampanya laban sa korapsyon.

    July 24, 20263 min read

    Ilang araw bago ang kaniyang ika-limang State of the Nation Address o SONA, sumadsad sa pinakamababa ang satisfaction rating at trust rating ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

    Sa July 2026 Ulat ng Bayan survey ng Pulse Asia, lumabas na kalahati ng mga Pilipino ang disapprove kay PBBM, habang 29% ang approval rating nito at 21% ang nananatiling undecided. Kumpara sa Pulse Asia survey noong Marso, bumaba ng 7 percentage points ang approval rating ng Pangulo, habang ang disapproval rating naman ay umakyat sa 50%.

    Sa hiwalay na survey naman ng Social Weather Station o SWS nitong June 2026, 38% ng mga adult Filipinos ang satisfied sa performance ng Pangulo, mas mababa kumpara sa 45% dissatisfied at 17% undecided. Sa kabuuan, nasa -7% ang net satisfaction rating ni PBBM sa 2nd Quarter ng 2026.

    Kabaligtaran ito ng mataas na standing sa survey ni Vice President Sara Duterte sa kabila ng kinahaharap na impeachment proceedings sa Senate-Impeachment Court.

    Sa July survey ng Pulse Asia, naitala sa 56% ang approval rating ni VP Sara, habang nasa 58% ng respondents ang nagtitiwala sa kaniya. Nasa 29% naman ang disapproval ratings at 27% distrust ratings ng Bise Presidente, halos walang pagbabago mula sa March survey.

    Nakakuha naman si VP Sara ng 58% satisfaction rating sa June 2026 SWS Survey, 26% dissatisfied, at16% undecided o 31% net satisfaction rating. Sa hiwalay na SWS survey naman na kinomisyon ng Stratbase Group, 57% ng respondents ang nagtitiwala kay VP Sara,27% ang may little trust, habang 15% ang undecided.

    Advertisement

    Sponsored placement

    Sa nalalabing dalawang taon ng kaniyang administrasyon, malaki ang kaibahan ng pagtuturing sa kaniya ngayon ng mga Pilipino kumpara sa higit 30 milyong boto na tinanggap niya noong tumakbong Presidente noong 2022.

    Mas nakikita na kasi ngayon ang kaibahan ng mga reformist rhetoric nito sa inaasahang resulta ng publiko sa kaniyang mga naging pangako.

    Patuloy na alalahanin ng mga Pilipino ang mataas na inflation rate o bilis sa pagtaas ng presyo ng bilihin, pagbaba sa purchasing power ng piso, mababang sweldo at kakulangan ng trabaho, mas mabagal na pamumuhunan ng dayuhang negosyo at higit sa lahat ang paghahanap ng resulta sa ipinangakong pagpapanagot sa mga sangkot sa katiwalian.

    Kumbinsido ang maraming political analyst na ito ang mga driving force sa patuloy na pagsadsad sa survey ratings ng Pangulo.

    Sa kaniyang SONA noong 2025, mismong si Pangulong Marcos ang nagbunyag ng malawakang katiwalian at pagsasamantala sa flood control fund.

    Nangako ito na pananagutin ang malalaking isda, kaalyado man sa pulitika.

    Pero halos isang taon na mula ng sabihin ito ng Pangulo, wala pa ring mga malalaking isdang nakakasuhan, gaya ng naging pangako ng administrayon.

    Sa halip ang sunud-sunod na kinasuhan at ipinakulong ay ang mga kritiko at hindi kaalyado ng administrasyon.

    Kung wala pa ring magiging konkretong hakbang ang administrasyon sa nalalabing taon ng termino nito, asahan na natin ang patuloy na pagsadsad sa survey ng Pangulo.

    At ang kawalang tiwala ng publiko sa pamumuno ng Pangulo, hindi nakapagtatakang baka maging ‘lame duck leader’ na  siya sa nalalabing taon ng kaniyang administrasyon.

    Was this worth reading?
    Share
    Weng Dela Fuente

    Weng Dela Fuente

    Columnist · NET25

    The views expressed are the author’s own.

    See all columns by Weng →

    Keep reading

    Next columnBBM vs USABy Laila TumananKapag dumating ang oras ng pagpili, kanino maninindigan si PBBM sa interes ng Pilipinas o sa dikta ng pinakamakapangyaring kaalyado? Ang magiging sagot ay maaaring maging isa sa pinakamahalagang pasya ng kaniyang pagkapangulo.→← Read a newer column

    More from Weng

    Grave Threats – Isa nga bang Impeachable Offense?Jul 16→Sukatan ng KatapanganJul 07→Selective JusticeJul 01→

    More voices in Opinion

    When a distant war reaches Filipino homes: Iran-backed Houthis threaten another global trade routeAlma Angeles·Jul 23→May bank secrecy pa ba sa Pilipinas? Kaninong bank records ang susunod na bubuksan?Caesar Vallejos·Jul 22→
    ←NET25 Opinion