Umabot na sa 803,769 na miyembro ng Pag-IBIG Fund ang nakinabang sa Special Assistance for Financial Emergencies (SAFE) Loan, kung saan ₱5.82 bilyon na ang naipamahagi sa loob lamang ng wala pang anim na linggo mula nang ilunsad ito noong Hunyo 10.
Ayon sa Pag-IBIG Fund, layunin ng programa na magbigay ng agaran at abot-kayang tulong pinansyal sa mga miyembrong apektado ng patuloy na tensyon sa Middle East.
Maaaring umutang ang mga kwalipikadong miyembro ng hanggang ₱10,000 o hanggang 90% ng kanilang Pag-IBIG Regular Savings, alinman ang mas mababa.
Bukas ang aplikasyon para sa SAFE Loan hanggang Setyembre 8.
📷: Pag-IBIG Fund


