Gustong bigyang-pansin ng mga Pilipino ang korapsyon at flood control project scandal sa State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 27, ayon sa Pulse Asia survey.
Nakakuha ng 29.8% na boto ang isyu ng korapsyon bilang pangunahing nais ng mga Pilipino na talakayin ni Pangulong Bongbong Marcos sa kaniyang SONA.
Pumangalawa naman ang flood control project scandal na may 18.9%, habang 18.7% naman ang nananawagan na tugunan ang mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.
📷: Pulse Asia

