BANGKAY NG LALAKI SA SAPA.
Natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng isang lalaki sa isang sapa sa Purok 6, Brgy. Lungsodaan, Candijay, Bohol ngayong Biyernes, Hulyo 24.
Sa ulat ng Candijay DRRMO, tinatayang 12 oras na itong pumanaw bago matagpuan. Natukoy naman na pagkalunod ang sanhi ng kaniyang pagkamatay.
📸: Candijay DRRMO

