Hindi madaanan ng malalaking sasakyan ang Brgy. Kuya, Sultan Kudarat, Maguindanao del Sur dahil nakahambalang ang tumumbang puno at poste ng kuryente sa kalsada ngayong Biyernes ng umaga, Hulyo 24.
Mabilis namang nag-bayanihan ang mga residente at motorista kung saan pinagpupuputol ang mga sanga ng puno na nagtumbahan.
Inaayos na ng mga awtoridad ang linya at poste ng kuryente. | via Argee Buenaflor
