Nasira ang pansamantalang daanan sa gilid ng Aquino Bridge sa Barangay Glan Padidu, Glan sa Sarangani matapos tangayin ng rumaragasang tubig mula sa ilog dulot ng malakas na ulan nitong Huwebes, Hulyo 23.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Region XII, hindi pa passable ang naturang detour route habang isinasagawa ang assessment at patuloy na mino-monitor ang sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista.
📽️: Baran Mar RG

