Nakaranas ng agresibong pagmamaniobra at pagbobomba ng water cannon mula sa China Coast Guard ang BRP Datu Dumangsil nitong Huwebes, Hulyo 23, bandang 5:54 ng umaga.
Ayon kay PCG Spokesperson for West Philippine Sea na si Jay Tarriela, ang naturang barko ng bansa ay nasa gitna ng isang resupply mission para sa mga mangingisda na nasa Bajo de Masinloc noong nangyari ang insidente.
Bagama’t wala namang naiulat na nasugatan o napinsala sa insidente, mariing iginiit ng PCG ang paglabag ng China sa international laws kabilang ang 2016 Arbitral Award.
📽️: PCG / X

