PCG, NAKA-HEIGHTENED ALERT DAHIL SA TROPICAL DEPRESSION KIYAPO.

Naka-heightened alert na ang mga tauhan at response unit’s ng Philippine Coast Guard (PCG) bilang paghahanda sa Tropical Depression Kiyapo.


Ayon sa PCG, nagsagawa na ng inspeksyon ang Coast Guard District Northeastern Luzon sa mga response team at kagamitan nito, katuwang ang mga lokal na tanggapan ng disaster risk reduction and management.


Hangad ng PCG na agarang matugunan ang posibleng maritime emergencies at iba pang epekto ng sama ng panahon, habang pinalalakas din ang koordinasyon sa iba pang ahensya. | via Jim Tejano
📸: Philippine Coast Guard

